20 June 2006

maari bang ilaga ang baril at ihain sa hapag kainan?

pasintabi na lamang po. nais kong magsulat sa tagalog-filipino. nababagabag lang ako sa mga balitang nasagap sa telebisyon. isang bilyong piso ang ilalaan para palakasin ang AFP, kasama na ang mga armas na bibilhin, para sugpuin ang mga rebelyon.

kung nais talaga ng gobyerno na magkaroon ng kapayapaan sa bansa, bakit baril, at hindi pagkain, trabaho at kaunlaran ang paglaanan ng pera? kung ang mga perang ito ay tulong mula sa ibang bansa, sa bansa o mga bansa rin bang iyon bibili ng armas? bakit di paglaanan ng pondo ang mga krimen tulad ng kidnapping, dangerous drugs trade? kawawa mga kaibigan kong intsik, laging takot makidnap.

ni hindi talaga tayo natuto sa turo nina kristo at buddha, atbp., hay.

ayon pa sa balita, unavoidable daw ang civilian casualties? o Diyos ko (talaga pong dasal ito) ilayo nyo po kami sa masasama. iligtas mo po ang bayang 'Pinas.

kahirapan ang problema ng bansa. cure the illness, not just the symptoms.

Mga readings at websites kung trip nyo magbasa:

news:
http://news.inq7.net/nation/index.php?index=1&story_id=79751
http://news.inq7.net/breaking/index.php?index=1&story_id=79440

nonviolence:
http://www.gandhiinstitute.org
http://www.nonviolenceinternational.net

No comments: