11 June 2007

independence day wish list...

simple lang naman. sa June 12, sana..
  • matinik ng buto ng manok mga pulitikong nangdaya nung eleksyon
  • mapa-upo sa thumbtacks mga titser na nagpagamit sa pandaraya
  • mag-amoebiasis mga COMELEC officials na kasabwat
  • maiflush sa toilet ng mga botanteng naglako ng boto ang perang binayad sa kanila
  • mag-decide si tita Glo na hiwalayan si Mike
  • mag-usap-usap mga peminista ng kaMaynilaan at aminin sa isa't isa na sila ay nag-i-isnaban
  • tunay magka-ibigan ang isang military official at isang Gabriela officer at magpakasal sila agad agad
  • tigilan na ni Joey de Leon panggagaya sa bakla para lang kumita, tutal mayaman na siya stick na lang siya kay tita Mel
  • wag na galit sa lalaki ang ibang bianing na kaibigan ko
  • wag na magalit sa bianing at bading mga heterosexual males na friends ko rin
  • gumana ang mga natutulog na empleyado at ahensya ng gobyerno na sobrang dami lang.. po**h mahiya naman kayo!!!!!
  • magkaroon ng boksing match between news anchors ng GMA at ABS CBN, para maki-pusta ako
  • kunin ni Lord mga nananagasa ng pusa at aso sa kalye
  • mapunta sa impierno mga gahaman
  • magkaron ng inflatulence mga smoke-belchers
  • sana bumaba muli tuition fee sa UP
  • sana masagana ang ani ng mga magsasaka.. syet nakakaiyak na talaga kalagayan nila.. in the long run, iiyak din tayo lahat dahil mas gusto pa natin laptop kaysa bigas
  • sana tumaas na sweldo ng mga manggagawa, government protective mechanisms should protect its Filipino workers first. yan essence ng government!
  • wag na muling mag-leading man ng kasingbata ni Piolo Pascual si lola Regine, ayaw ko siyang magmukhang pedophile

No comments: