27 August 2007

Ramon Zamora

Sino sa mga edad 30 pataas ang hindi lumaki sa mga pelikula ni Ramon Zamora? Naaalala ko pa noon, kapag Ramon Zamora ang palabas, lahat kaming magkakapatid 'glued' sa tv. Hindi namin kilala si Bruce Lee pero si Ramon Zamora, oo. Hindi pa uso noon ang mga mga harness para makapag-sirku ang action star, may Ramon Zamora na. Ngayong sumakabilang buhay na siya (he was 72 years old) , nakahihianayang at nakakasuya na walang masyadong balita o malaking pagpupugay man lang sa aktor na ito. Pero hindi bale, he will always be Ramon Zamora. Pilipinong aktor na magaling sa martial arts at mahusay magpatawa.

No comments: